The start of my journey
Mahilig ako sa negosyo mga bagay na mapagkakakitaan lalo na nung ako ay nasa kolehiyo pa. I even sell copy of koreannobela during the peak of korean dramas like Endless love, winter sonata and the likes. Natapos ang lahat nang yun nung nakagraduate na ako ng college kasi nauso na rin yung mga pirated dvd na kapag kinopya mo gamit ang dvd r ng cdr king that time eh pangit ang kopya so lugi kaya hininto ko na. Nakapag trabaho na din ako sa isang maliit na school ng IT kay ethically di na maganda. Nung nagkatrabaho ako ayun isa sa una kong investment eh insurance. Den nung lumipat ako sa isang university sa ubelt may nakilala ako at naging kaibigan na ginaya ko, mentor ba, sa kanya ko natutunan ang pagbili ng Mutual Fund sa BDO, naalala ko pa nun ang mahal ng bili ko, akala ko aakyat pa eh biglang pumutok yung bad news sa US na pabagsak economy kaya ayun, halos ilang buwan pagkabili ko biglang baba ang value nung fund. Kaya sabi ko di ko naman gaano kailangan pabayaan ko muna, ayun sa awa ng diyos dumating din yung time naibenta ko siya sa mataas na presyo kumita ako ng halos 20k sa capital na 30k di na masama. Hanggang sa nabasa ko yung libro ni bo sanchez about his maid, ayun dun na ako nagkainterest sa stock naging active sa mga group sa fb at naging admin pa ng isang grupo kung tawagin ay PAM, doon natututo ako at ayaw paniwalaan ng mga members na baguhan ako, hanggang sa itinayo ng leader namin na si Mr. Pam ang Pam Academy na may layong magturo ng financial literacy at magbigay ng suggestion kung anung trending na stock. Gumawa kami ng website at after noon unti unti dahil naging busy na din sa trabaho ndi na rin ako naging active. Ngaun habang sinusulat ko to, naisip ko ishare ang mga bagay na natutunan ko kaya ginawa ko tong blog na ito.
No comments:
Post a Comment